Sinibak sa puwesto ang dalawang pulis sa Maynila kasunod ng viral video ng isang police patrol vehicle na may kargang dalawang kahoy na pushcart na lampas sa sukat ng sasakyan, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño sa isang press briefing, pinagpaliwanag na ang patrolman na nagmamaneho at ang kanyang immediate superior na isang police major.
Sinimulan na rin aniya nitong Lunes ang pre-charge investigation kaugnay ng insidente.
Nauna nang naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang opisyal ng pulisya at sa driver ng patrol vehicle matapos ang insidente na nagdulot umano ng panganib sa ibang motorista.
Ayon sa LTO, posibleng maharap ang mga sangkot sa kasong administratibo kabilang ang reckless driving, paglabag sa paggamit ng license plates, at pagiging improper person to operate a motor vehicle.
Ipinapasuko rin ng ahensya ang lisensya ng driver, na isasailalim sa 90-araw na preventive suspension habang nagpapatuloy ang imbestigasyon
Trending
- SEC. GIBO TEODORO SUPORTADO NI DR. GOITIA
- Kai Sotto, AJ Edu hataw sa B. League
- Houston Rockets tinalo Los Angeles Lakers
- Para tipid gas: Jayson, nagmomotor na lang
- Jillian, masikreto pa rin sa lovelife
- ‘Baby,’ tawag ni Klea kay Janella
- Online seller timbog sa P2m shabu
- Kelot nameke ng lotto ticket sa Mandaluyong

