Nag-isyu ng freeze order ang Court of Appeals sa assets ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado, Abril 25.
“Si former Speaker Martin Romualdez, na-freeze na ‘yung kaniyang…, may freeze order na. From Court of Appeals kasi doon talaga dinadala ang freeze orders ng AMLC. Diyan talaga pinakukuha ng court order,” ani Remulla.
Ang tinutukoy ni Remulla ay ang iniulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), na nakakuha ito ng freeze order ng assets ng isang kilalang mambabatas na umano’y sangkot sa flood control corruption scandal.
Hindi pinangalanan ng AMLC ang mambabatas o ang business associate at corporate entity na “found to have been involved in the flood control project anomalies.” Ang lahat ng tatlong partido ay subject ng freeze order.
Sinabi rin ng AMLC na sakop ng pinakabagong freeze order ang 25 bank accounts at 10 insurance policies “registered under the name of the said legislator.”
Wala pang komento si Romualdez kaugnay nito.
Trending
- Gilas coach Cone nananalig sa All-Filipino crew
- Faney, nag-propose kay Alex Eala
- Bea, mahilig ‘kumalabit’ kay Vincent
- Elijah, kinumpirma ang hiwalayan kay Miles, todo denay na cheater
- Dennis nangalampag
- 5 bayan sa Bulacan, lubog pa rin
- Habambuhay-kulong : Hatol sa drug offender
- Murder suspect nalambat sa Navotas

