Upang matulungan at matutukan ang kababaihan na nagdadalang-tao subalit iniwan ng ama ng kanilang dinalala, iminungkahi ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas na magtayo ng Refuge and Assistance Centers para sa mga ito.
Dahil dito, umepala ang mambabatas sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na pagtibayin na ang kanyang House Bill (HB) 3413 o Young Women’s Refuge and Assistance Center Act.
Maliban dito, ipinakiusap din ni Vargas sa Kongreso na bigyang prayoridad ang HB 3404 o Free Childcare Services Act upang maasistehan ang inabandong buntis sa pagtiyak ng kaligtasan ng kanilang iniluwal na sanggol.
“There is a saying that ‘It takes a village to raise a child.’ This is the government’s way of being that village that will help solo parents in ensuring the proper growth and development of their children,” ani Vargas.
Sa ilalim ng panukala ng mambabatas, nais nito na magtayo ang gobyerno ng Refuge and Assistance Center sa bawat probinsya, siyudad at bayan sa buong bansa para sa mga buntis na edad 21 anyos pababa na inabandona ng kanilang partners.
Layon ng mga centers na ito na masigurong maibigay sa mga ito ang lahat ng tulong medical na kailangan ng mga ito habang sila ay nagbubuntis habang tinuturuan ang mga ito na magkaroon ng pangkabuhayan.
Nais din ng mambabatas na maasistehan ang mga solo parents, lalo na ang mga mahihirap sa pagpapalaki sa kanilang anak hanggang sa umabot sa tatlong taong gulang ang mga bata.
“By providing a professional facility where infants can receive proper nutrition and cognitive development, the bill allows solo parents—especially those without nearby family support—to pursue careers or seek work with peace of mind,” ayon pa sa panukala ng mambabatas.

Share.