Isang dating leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na naging wanted sa mga acts of terror, nakasuhan ng multiple murder, multiple frustrated murder, pang-aatake sa mga police at Army detachments at pambobomba ng mga bus at mga commercial establishments sa Central Mindanao mula 2014 hangang 2020, ang inatake sa puso dahil sa nerbiyos ng pagbabarilin ng armadong grupo ang kanyang tirahan sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur noong Sabado, April 18.
Kinumpirma ng mga officials ng Army units sa probinsya, ng mga residente at mga traditional Moro leaders sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha ang pagkamatay ni Esmail Abdulmalik, kilala bilang Abu Toraife, ng nabuwag, o defunct na na BIFF, sa naturang insidente.
Ninerbiyos at nangingig sa takot si Abu Toraife ng pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ng kanyang bahay, ayon sa mga residente ng Shariff Saydona Mustapha.
Dahil sa takot, nangisay-kisay sa niyerbyos si Abu Turaife at nagreklamong nanikip ang kanyang dibdib bago tulayang pumanaw, ayon sa mga kakilala at mga kamag-anak.
Dating leader si Toraif ng BIFF na kaalyado ng Dawlah Islamiya na parehong nagpapalaganap ng galit sa mga hindi Muslim at parehong sangkot sa mga pambobomba sa Central Mindanao na nagsimula noong 2014, mga gawaing tinuligsa ng mga moderate Muslim preachers dahil taliwas sa mga turo ng Islam laban sa pangugulo at terorismo.
Ilan na lang ang nalalabing mga natitira pang mga miyembro ng dalawang grupo na nabuwag na kasunod ng pagsuko ng mahigit 2,000 sa ibat-ibang units ng 6th Infantry Division at ng ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ng Police Regional Office 12 nitong nakalipas na anim na taon.
Trending
- Target ng NU men ang six-peat
- Albert delos Santos nakamit ang ginto sa IWF Worlds
- Lovi Poe pasabog sa Hollywood
- Kim Chiu panalo pang-aakit kay Epy Quizon
- Joshua Garcia nag-hello ang pubic hair?
- Mag-asawa, arestado sa online exploitation
- Mag-asawa, arestado sa online exploitation sa 11-anyos
- Mayon patuloy sa pagbuga ng lava

