Arestado ang dalawang lalaking suspek na nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang entrapment and buy-bust operation ng mga pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Rizal Provincial Office at PDEA Cavite Provincial Office, sa Barangay Molino IV ng Bacoor City, Cavite, Biyernes, April 18, 2026.
Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Abe”, 51-anyos; at alyas “Shol”, 54-anyos, parehong tubong Talitay, Maguindanao.
Nasamsam sa posisyon ng mga suspek ang humigit kumulang sa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000.
Mahaharap ang dalawang suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5 in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell Dangerous Drugs) ng Article II sa ilalim ng Republic Act 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

