Naispatan ang gambling tycoon na si Atong Ang sa Calabarzon dalawang linggo na ang nakararaan, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Huwebes.
Ayon kay Remulla, bumibiyahe si Ang kasama ang tatlo katao at palipat-lipat lamang umano ng mga lugar.
Aniya, nakita umano si Ang sa Region 4A nitong dalawang linggo na ang nakalilipas kaya nagsasagawa na ng follow-up operations ang mga awtoridad.
Sinabi ng kalihim na ang tip sa lokasyon ni Ang ay ibinigay sa mga awtoridad ng isang reliable source
Si Ang ay patuloy na tinutugis ng mga awtoridad dahil sa mga kasong kidnapping kaugnay ng napaulat na pagdukot at pagpatay sa hindi bababa sa 34 na “missing sabungero” na umano’y nandaya sa kanyang mga laro sa pagitan ng 2021 at 2022 sa buong Luzon.
Dalawampu sa mga kapwa akusado ni Ang ang dinala sa kustodiya ng pulisya matapos maaresto sa bisang warrant of arrest na inilabas ng mga korte sa Laguna at Batangas.

Share.