Kumpirmado na ang  rematch  nina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao bilang isang totohanang professional bout kung  saan  itatala ang resulta bilang official  boxing fight record.

Ayon sa BoxingScene, mismong si Pacquiao ang nagpadala ng mensahe ngayong araw na nagsasabing: “THE FIGHT IS ON.”

Itinakda ang laban  sa Setyembre 19, 2026 na idaraos  saThe Sphere, Las Vegas, Nevada.

Ipapalabas nang live sa Netflix, bilang isa sa pinakamalaking sports event ng taon.

Kahapon ang huling araw para pormal na tapusin ang mga dokumento.

Umabot si Mayweather sa oras at pumirma, kaya’t tuluyang naisara ang kasunduan.

Kilala bilang “Money Mayweather,” limang beses na world champion si Floyd sa iba’t ibang dibisyon, at undefeated sa kanyang professional career.

Si Pacquiao ay   markado  bilang  “Pambansang Kamao,” tanging boksingerong nakakuha ng titulo sa walong dibisyon, at isa sa pinakatanyag na atleta sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang kumpirmasyon ng laban ay naglalagay ng bagong sigla sa mundo ng boksing.

Hindi lamang ito pagbabalik-tanaw sa “Fight of the Century” noong 2015, kundi isang pagkakataon para kay Pacquiao na makabawi, at para kay Mayweather na ipagtanggol ang kanyang walang bahid na rekord.

 

 

 

 

 

Share.