Pormal nang itinurn-over ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman ang dalawang luxury car na isinuko ni dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez.
Boluntaryong ibinigay ni Hernandez sa ICI ang isang GMC Yukon Denali XL at isang Lamborghini Urus Performante noong Setyembre 2025.
Kaugnay ito sa mga isinagawang imbestigasyon sa flood control scandal
Nahaharap si Hernandez sa mga kasong malversation at graft dahil sa umano’y “ghost” na flood control projects sa Pandi, Bulacan, kasama si dating Senador Bong Revilla at iba pang dating opisyal ng DPWH-Bulacan.
Trending
- Gilas coach Cone nananalig sa All-Filipino crew
- Faney, nag-propose kay Alex Eala
- Bea, mahilig ‘kumalabit’ kay Vincent
- Elijah, kinumpirma ang hiwalayan kay Miles, todo denay na cheater
- Dennis nangalampag
- 5 bayan sa Bulacan, lubog pa rin
- Habambuhay-kulong : Hatol sa drug offender
- Murder suspect nalambat sa Navotas

