Naglabas ng paalala ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa publiko na magsuot ng face mask kapag lalabas dahil sa hindi magandang kalidad ng hangin sa lungsod.
Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), batay sa monitoring ng Air Quality Index sa Anda Circle (Intramuros), San Sebastian Residences (Quiapo), at Santa Ana Hospital bandang 5 p.m. noong Sabado, umabot sa antas na “unhealthy for sensitive groups” ang kalidad ng hangin sa ilalim ng Hinga (Breathe) Manila Program.
Nanawagan ang DRRMD sa publiko na mag-ingat, limitahan ang hindi kinakailangang paglabas, at magsuot ng face mask bilang proteksyon laban sa polusyon sa hangin.
Ayon sa advisory, maaaring maapektuhan ang mga bata, matatanda, buntis, at mga may sakit sa baga, puso, at hika.
Batay sa monitoring, posibleng may kaugnayan ang paglala ng polusyon sa usok mula sa sunog sa Navotas Sanitary Landfill na umabot sa mga kalapit na lugar noong Biyernes.
Trending
- Pambato ng PTA umabante sa Philta Women’s Open semis
- Annie Ramirez, Yman Xavier Baluyo PH flag bearers sa Asian Beach Games opening ceremony
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider

