Nasawi ang isang senior citizen at medical personnel nang mabangga ang ambulansyang sinasakyan nila sa Negros Occidental.
Ayon sa ulat, sakay ng naturang ambulansya ang 70 taong gulang na babaeng pasyente at isang 30-anyos na medical personnel na noo’y papunta na sanang ospital.
Lumalabas sa imbestigasyon na malakas umano ang buhos ng ulan nang mangyari ang insidente.
Batay sa salaysay ng 48 taong gulang na driver ng ambulansya, nawalan umano siya ng kontrol sa manibela nang subukan niyang iwasan ang sasakyang nasa unahan nila.
Doon na raw niya kinabig sa ibang direksyon ang ambulansya, dahilan upang tumama sila sa isang konkretong poste ng kalsada.
Dead on arrival na nang naisugod sa ospital ang mga biktima habang nagpapagaling pa rin sa ospital ang driver at ang 50 taong gulang na kaanak ng pasyente.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sasampahan pa ng kaso ang nasabing driver.

Share.