MAGKAKAROON ng pambihirang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga mapagkakatiwalaang industry sources.

Sa diesel: inaasahang bababa ng ₱2.50 hanggang ₱3.50 kada litro, dulot ng paglamig ng tensyon sa pandaigdigang merkado matapos ang pansamantalang truce sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Sa gasolina: maaaring manatili sa kasalukuyang presyo o bumaba ng humigit-kumulang ₱1 kada litro.

Batay ito sa unang tatlong araw ng trading ng Mean of Platts Singapore (MOPS), na ginagamit bilang benchmark sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Gayunman, binigyang-diin ng mga eksperto na maaari pang magbago ang datos sa natitirang dalawang araw ng kalakalan bago tuluyang ianunsyo ng mga kompanya ng langis ang price adjustments.

Ang rollback ay inaasahang ipatutupad sa Martes, matapos ang opisyal na anunsyo sa Lunes.

Sa kabila nito, nananatiling mataas ang presyo ng diesel na umabot pa sa ₱170 kada litro nitong mga nakaraang linggo.

Dagdag pa rito, inaasahan ang pagdating ng mahigit isang milyong bariles ng diesel sa bansa sa susunod na linggo, na maaaring makatulong sa pag-stabilize ng supply.

 

Share.