Matagumpay na nakumpleto ng apat na astronaut ng Artemis II Mission ang kanilang pag-ikot sa buwan, ang unang crewed lunar flight mula pa noong Apollo 17 noong 1972.

Ang spacecraft na Orion ay lumipad nang higit 41,000 milya mula sa buwan, bago magsimula ng pagbabalik sa Earth.

Ang crew ay binubu nina Reid Wiseman, Victor Glover, Christina Koch, at Jeremy Hansen—ang unang Canadian na nakalibot sa buwan.

Nagsagawa sila ng radiation tests, life‑support evaluations, at communication trials sa pagitan ng Orion at ng Deep Space Network.

Nakunan video at retrato ng crew ang kahanga-hangang Earthrise at solar corona images habang dumaraan sa eclipse zone.

 Inaasahang mag‑splashdown ang Orion sa Pacific Ocean malapit sa San Diego sa Abril 10, kung saan sasalubungin sila ng recovery team.

Ang Artemis II ang unang hakbang tungo sa Artemis III, na maglalapag ng unang babae at susunod na lalaki sa buwan sa taong 2028.

Simbolo rin ito ng pandaigdigang kooperasyon sa pagitan ng NASA at Canadian Space Agency.

Sinubok ng misyon ang tibay ng heat shield, navigation system, at life‑support modules para sa mga susunod na lunar landings.

Pagkatapos ng splashdown, susuriin ng mga siyentipiko ang lahat ng telemetry data at feedback mula sa crew upang ihanda ang Artemis III—ang misyon na magbabalik ng tao sa ibabaw ng buwan.

 

Share.