Inaresto ang dalawang lalaki nang holdapin ang isang gasolinahan sa Barangay Poblacion 1, General Emilio Aguinaldo, Cavite noong Lunes ng gabi.
Ayon sa CCTV footage, dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at nagpanggap na karaniwang customer bago biglang bumunot ng baril at tutukan ang dalawang pump attendant. Tinangay ng mga suspek ang mga bag ng mga biktima na naglalaman ng kita ng gasolinahan sa maghapon.
Agad namang hinabol ng pulisya ang mga suspek hanggang Alfonso matapos maalerto sa insidente. Sa gitna ng pagtakas, umano’y sinubukan ng mga suspek na paputukan ang mga humahabol na pulis gamit ang improvised shotgun.
“The fleeing suspects attempted to shoot the responding police officers. This prompted our officers to return fire,” ani Cavite Provincial Police Office public information officer Police Lt. Jane Drio.
Tinamaan sa balikat ang isa sa mga suspek dahilan upang bumagsak ang motorsiklo. Kaagad siyang naaresto, habang nakatakas naman pansamantala ang kanyang kasamahan matapos tumakbo.
Sa follow-up operation nitong Martes ng umaga, natunton ang ikalawang suspek. Ayon sa pulisya, tinangka pa nitong tumakas at magtago sa ilalim ng isang sasakyan ngunit naaresto rin kalaunan.
Sinabi ng mga awtoridad na narekober mula sa mga suspek ang halos P100,000 na ninakaw na pera. Nasamsam din ang motorsiklong ginamit sa krimen, isang improvised shotgun, dalawang cellphone, at isang bladed weapon.
Ayon kay Police Lt. Jane Drio, bineberipika rin ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang mga suspek sa iba pang insidente ng pagnanakaw sa upland areas ng Naic at Ternate. Nahaharap ang mga ito sa kasong robbery at illegal possession of firearms.
Trending
- Pambato ng PTA umabante sa Philta Women’s Open semis
- Annie Ramirez, Yman Xavier Baluyo PH flag bearers sa Asian Beach Games opening ceremony
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider

