Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Linggo na mino-monitor nila ang presyo ng mga gamot sa gitna ng krisis sa fuel na dulot ng tensyon sa Middle East, ngunit tiniyak na walang kakulangan sa suplay.
“Sinusubaybayan natin ang presyo ng… lahat naman ng produkto ay maapektuhan dahil kagaya ng mga ibang produkto—gamot, damit, pagkain—lahat ‘yan ay puwedeng tumaas dahil sa epekto ng krisis sa ating Gitnang Silangan,” ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa sa panayam sa Super Radyo dzBB.
“Nagbabantay kami, as of now, marami pa tayong supplies,” dagdag niya.
Ayon kay Herbosa, posibleng maramdaman ang epekto sa mga susunod na pagbili dahil maaaring magtaas ng presyo ang mga manufacturer.
Sinabi rin ng DOH na sapat ang stockpile ng gamot ng gobyerno na naka-standby para sa mga ospital at publiko, at wala pa ring kakulangan sa suplay.
“Mayroon kaming mga stockpile ng gamot… naka-standby ‘yan para sa ating mga kababayan, sa ating mga ospital… so mayroon naman tayong supplies. Wala pa naman tayong shortage of anything,” ani Herbosa.
Dagdag pa niya, tuloy-tuloy ang serbisyong pangkalusugan sa mga ospital, BUCAS centers, at iba pang programa ng DOH, ngunit maaaring maramdaman ang epekto sa out-of-pocket expenses ng mga bibili ng gamot sa botika.
Sa ngayon, patuloy ang pagbabantay ng DOH sa presyo at suplay ng gamot habang umiiral ang sitwasyon sa Middle East.
Trending
- Ultimatum lapsed, Khard Island binomba
- 45-day truce ibinasura ng US at Iran
- P1M premyo sa Tour of Luzon
- ‘All systems go’ para sa Palarong Pambansa sa Agusan del Sur
- Dingdong, ‘di mararating ang success kung wala si Marian
- Belle Mariano, biyaya sa buhay si Donny Pangilinan
- Coco Martin, walang ineendorso na online gambling
- Ombudsman pinagsusumite ng Kamara ng SALN ni VP Sara

