Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Abril 10 hanggang 16 ng bawat taon bilang “Economy, Planning, and Development Week” at Abril 10 ng bawat taon bilang “DEPDev Day.”
Ito ang nakapaloob sa Proclamation 1205 na nilagdaan ng Pangulo noong Marso 30 at inilathala sa Official Gazette website.
Tuwing Disyembre 17 hanggang 23 ng bawat taon ay ipinagdiriwang ang “Socio-Economic Planning and Development Week” at Disyembre 23 bilang “NEDA Day” sa ilalim ng Proclamation 666 na ipinalabas noong 1990.
Taong 2025, inorganisa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na naging Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) sa ilalim ng Republic Act 12145.
“In view of the reorganization of NEDA into DEPDev, there is a need to repeal Proclamation 666 to align with the agency’s new institutional framework and further promote public awareness and appreciation of the importance of socio-economic planning and development in advancing inclusive and sustainable national development,” ang nakasaad sa Proclamation.
Ang DEPDev ay may atas na pangunahan ang pagdiriwang ng Economy, Planning, and Development Week at DEPDev Day at tukuyin ang mga programa, proyekto, at aktibidad para sa selebrasyon.
Ang pagpapalabas ng proklamasyon ay naglalayong hikayatin ang lahat ng ahensiya ng gobyerno kabilang na ang government-owned or -controlled corporations (GOCCs), state universities and colleges (SUCs), local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), at pribadong sektor na aktibong makibahagi sa pagdiriwang ng DEPDev Day and Economy, Planning, at Development Week at suportahan ang DEPDev sa pagsusumikap nito.
Ang Proclamation 666, series of 1990, ay pinawalang-bisa kasama ang iba pang issuances, orders, rules and regulations na inconsistent sa Proclamation 1205.
Trending
- 45-DAY CEASEFIRE : HORMUZ BUBUKSAN
- Heat index matinding matindi sa 2 lugar
- 30 points ni LeBron nasayang vs Mavs
- Mark Magsayo wagi via TKO kontra Irish foe
- Mark at Nicole, magdyowa pa rin
- Maine at Arjo, ‘di hiwalay
- Bea Alonzo nagdadalang tao kaya minadali ang pagpapakasal?
- OVP, nagpatupad ng flexible work setup sa gitna ng fuel crisis

