Inaasahan ang panibagong pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel ngayong linggo, batay sa industry estimates na inilabas sa oil price watch.
Ayon sa mga source sa industriya, maaaring tumaas ang presyo ng diesel ng P17 hanggang P19 kada litro sa Martes, habang ang gasolina ay posibleng tumaas ng P3 hanggang P5 kada litro.
Mas mataas ito kumpara sa nakaraang linggo, kung saan naitala ang pagtaas ng diesel na nasa P4.50 hanggang P12.90 kada litro at gasolina na nasa P1 hanggang P2.90 kada litro.
May mga pagtataya rin na maaaring umabot sa P170 kada litro ang diesel sa ilang sitwasyon, na maglalagay ng dagdag na pasanin sa mga motorista at transport operators, lalo na sa mga bumalik mula sa Holy Week break.
Ayon sa ulat, kahit may assurance umano ng Iran para sa ligtas na pagdaan ng oil shipments sa Strait of Hormuz, nananatiling volatile ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.
Pinaka-apektado ang mga gumagamit ng diesel gaya ng bus, truck, jeepney, at maging mga barko at bangka na umaasa sa fuel sa araw-araw na operasyon.
Trending
- 45-DAY CEASEFIRE : HORMUZ BUBUKSAN
- Heat index matinding matindi sa 2 lugar
- 30 points ni LeBron nasayang vs Mavs
- Mark Magsayo wagi via TKO kontra Irish foe
- Mark at Nicole, magdyowa pa rin
- Maine at Arjo, ‘di hiwalay
- Bea Alonzo nagdadalang tao kaya minadali ang pagpapakasal?
- OVP, nagpatupad ng flexible work setup sa gitna ng fuel crisis

