Nasawi ang dalawang bata ar dalawang ang nakaligtas nang malunod habang naliligo sa ilog Cagayan na sakop ng Brgy. Sta Isabel Norte, City of Ilagan, Isabela.
Ang biktima dalawang 10-anyos na mga batang babae at residente rin sa nabanggit na lugar.
Sa paunang pagsisiyasat, hapon noong Marso 28, nagtungo ang apat na bata sa ilog at nagkayayaang maligo. Nguni’t sa lakas ng agos ng tubig, tinangay ang mga bata sa malalim na bahagi ng ilog.
Nagkataon na may isang residente ang nasa lugar at sumaklolo sa nalulunod na mga bata. Naisalba ang dalawang bata ngunit bigo naman ang dalawang iba pa.
Nang matanggap ang ulat, kagyat namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad at matapos ang higit isang oras na paghahanap ay narekober ang wala nang buhay na dalawang bata.
Samantala, tumanggi na ang mga magulang ng mga biktima na isailalim ang mga labi sa otopsiya ngunit labis ang paghihinagpis.
Nagpapaalala naman ang mga awtoridad na huwag payagang maligo ang mga bata nang walang superbisyong ng nakatatanda upang maiwasan ang ganitong mga insidente.
Trending
- Import ng TNT na si Bol Bol nagsanay na
- Maristella makikipagkumpetensiya sa ITF Asia 14&U Development
- Luke Mejares ‘di makabili dati ng corned beef
- For Sale: Bahay ni Pilita Corrales
- Hotel ni Pacquiao sa GenSan bukas na
- Lalaki may hawak na baril habang naglalakad, kulong
- 7 arestado sa illegal hair transplant clinic sa Makati
- 5 basag-kotse arestado sa hideout sa Bulacan

