Naintriga ang madlang pipol sa sunod-sunod na pagliban ni Vice Ganda sa noontime show na “It’s Showtime.”
Dahil dito, kabi-kabila ang espekulasyon tungkol sa tunay na dahilan ng Unkabogable Star.
May ilang netizens ang nagtanong kung may pinagdaraanan ba ang ito, habang ang iba naman ay nagbato ng isyu na baka may tampo umano ito sa network.
Lalo pang lumakas ang usap-usapan dahil kapansin-pansin umano ang “kulang na saya” sa It’s Showtime kapag wala si Meme.
Sanay kasi ang fans na umaabsent lang si Vice kapag may bakasyon, lokal man o abroad.
Kaya naman nagtataka ang marami nang mamataan siyang dumalo sa birthday party ng Vicki Belo pero hindi pa rin bumabalik sa programa.
Sa ngayon, tahimik lang si Meme Vice sa tunay na dahilan ng kanyang pag-absent,
Trending
- Pulis-Maynila isa-summary dismissal, nananakot
- GM Antonio: Ika-5 sa Banja Open; hari sa 50+ division
- Ika-20 Kamatyas Chess Festival sa Nobyembre 21
- Gadgets sa barangay hall tinangay, 4 kawatan tiklo
- Paslit minolestiya, tambay dinampot
- May-ari ng pet crematorium sumuko sa NBI
- Bangkay sa CR , suspek tiklo
- ER sa Ospital ng Maynila napuno

