Ang bongga ng birthday celebration ni Kathryn Bernardo dahil umabante nang todo ang kanyang career at pagiging isa sa pinakasikat na aktres sa buong Pilipinas at Asya.
Kasabay ng pagbati ng Madame Tussauds Hong Kong ang announcement nila sa pagtatayo ng wax figure ng nasabing Pinay box-office queen.
Nakaposte ito sa mismong IG account ng MT kung saan kinargahan din nila ng photo ni Kath.
Ipinakilala bilang “Asia’s Superstar” sa Kathryn sa subtitles birthday greetings ng MT, bilang pagkilala sa estado ng kanyang kasikatan. At abf balitang bibida ito sa kanilang celebrity amusement store.
Saad pa sa kabuuang message caption, “Together, let’s send warm birthday wishes to Asia’s Superstar, Kathryn Bernardo as she marks her 30th year.
“In celebration of Kath’s big day, get ready to step into the spotlight with her as her stunning wax figure make its grand debut soon at #MadammeTussaudsHongkong.
“Stay tuned for the unveiling announcement.”
Sa kanilang hashtag na #KathrynShinesAtMTHK #ThePeak iniluklok sa pedestal ng kanyang kasikatan si Kathryn.
Ikinatuwa naman ito ng mga netizen at solid ni Kathryn na bumati rin sa kanya sa comments ng mga ito.
Kasabay ng pagbati ng congratulations sa panibagong achivement ng aktres.
Si Kathryn ang ikalimang Pinay na napagtayuan ng wax figure statute sa MTHK.
Ang mga nauna sina Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Lea Salonga at Anne Curtis.
Sa lalaking Pinoy, natatanging si Manny Pacquiao lamang ang nabigyan ng pigura.
Trending
- Vice Ganda : It’s Showtime “nganga”
- 3 Krus ni Juan : P60.69 /dollar; diesel P122/ liter; stocks, lugmok
- TRUMP :PEACE DEAL SOON!
- Phoemela Baranda buntis @ 40
- Kathryn Bernardo magkakaroon ng wax figure sa HK
- Kim Chiu bet ang gwapo, matapang, ‘di korap na politiko
- Rabiya at Jake Cuenca magka-date sa b-day party ni Sienna Stevens
- Miss Grand Thailand candidate natanggal pustiso habang nagpapakilala

