Barely two years from now, nababahala na ang mga tagasuporta ni Carlos Yulo sa naging hula ng psychic na si Rudy Baldwin.
Ayon sa ulat ng Showbiz Trends Update, hindi nakikita ni Rudy ang pagkapanalo muli ng medalyang ginto ni Carlos sa Los Angeles Olympics sa 2028.
Malakas ang “vibration” ni Rudy na ang posibleng maging gold medalists sa gymnastics ay ang dalawang nakababatang kapatid ni Carlos.
Ito’y sina Eldrew at Elisa.
Matatandaang kumpiyansa si Cynthia Carrion, pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines, na muling magtatala ng gold record si Yulo.
Dalawang medalyang ginto ang nakamit ni Carlos sa nakaraang Paris Summer Olympics.
Pinapalagay naman ng ibang skeptics na posibleng ang hula ni Rudy ay magsilbing inspirasyon kay Carlos na magpursige pa lalo sa kanyang paghahanda at pagsasanay.
May ilan ding nag-iisip na ang magiging suwerte nina Eldrew at Elisa ay may kinalaman sa kanilang pagmamahal sa kanilang pamilya.
Kabaligtaran ito ng nasaksihan ng ating mga kababayan kay Carlos matapos siyang magwagi.
Tulad ng anumang hula, walang kasiguraduhan o katiyakan kung magkakatotoo ito o hindi.
Sa bandang huli, nagsisilbi lamang itong gabay o paalala dahil ang Nasa Itaas pa rin ang siyang nakakaalam ng mangyayari sa atin sa hinaharap.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel

