Hindi pinalampas ni Eman Bacosa Pacquiao ang pagkakataon na makapagpa-picture sa mga sikat na artista na dumalo sa kaarawan ni Vicki Belo.
Ang bongga nga ni Eman, na halos lahat yata ng mga bisita sa birthday party na `yon ay may photo siya, ha!
Kunsabagay, kahit naman sa mga premiere night na pinupuntahan niya, o mga event na dinadaluhan niya, palagi talaga siyang nagpapa-picture sa mga artista na dumadalo.
Dedma nga si Eman na kahit sikat na rin naman siya, nagpapaka-faney pa rin talaga siya.
Ang maganda kay Eman, magiliw siyang nakikiusap sa mga artista na kung puwede nga siyang magpa-picture. At siyempre, happy naman ang mga artista na pagbigyan siya.
Anyway, makikit anga sa Instagram ni Eman ang mga photo na kasama niya sina Iza Calzado, Vice Ganda, Shuvee Etrata, Ryan Bang, Ruffa Gutierrez, Anne Curtis, na kuwelang-kuwela dahil may eksena na tila sinapak pa ni Anne ang mukha ni Eman.
Pero siyempre, may mga nakaramdam din ng kilig sa mga photo niya na kasama sina Belle Mariano, Julia Barretto, Andrea Brillantes, ha! Feeling nila, bagay rin si Eman na gumawa ng proyekto na ang mga nabanggit na artista ang kapareha niya.
Hindi naman love team ang dating, kundi bet lang nilang makita si Eman na iba rin ang kasama, at hindi lang si Jillian Ward.

Share.