Hanggang ngayon ay marami pa rin sa showbiz industry ang hindi maka-move on sa pagkatalo ni Bong Revilla bilang isa sa 12 senators nitong mid-term election.
Maski kami man ay hindi makapaniwala na
pang-labing apat lamang si dating Sen. Bong sa mga naglalaban.
In fairness, sa Tondo ay napakalakas ni Bong. Siya lang yata ang senador na personal na nag-ikot sa Tondo nu’ng kasagsagan ng kampanya.
Kaya siyempre nalungkot kami sampu ng aming pamilya sa nangyari, huh!
Isa rin sa ikinalungkot namin ay hindi rin naging matagumpay ang unang pagsabak ni Luis Manzano sa pulitika, huh!
Tumakbo si Luis bilang bise gobernador ng Batangas ka-tandem ng inang si Gov. Vilma Santos-Recto na walang katalo talo sa larangan ng pulitika.
Since unang sumabak sa pulitika as mayor ng Lipa at hanggang sa pagiging kongresista ay pinadapa ni Ate Vi ang lahat nang itinuring na mga pader na politician sa Batangas.
Incumbent governor ng Batangas ang nakatapat ni Luis at talaga na sinasabing gumawa ng paraan kung kaya over a slight margin ay natalo si Luis.
Pero may ibang planu ang nasa Itaas para sa asawa ni Jessy Mendiola.
Trending
- Carlo Biado tutumbok sa World 9-Ball tourney
- Robert Bolick, NLEX pag-eempakehin ROS
- Robert Bolick, NLEX pag-eempakehin ROS
- Pacquiao sobrang bilis ng kamay, footwork
- Bossing, nagpaliwanag sa sinabi kay Vico
- Sue makatrabaho si Bea
- Magnolia players nakatanggap ng death threats
- Carlos Yulo gold sa Asian Gymnastics Championships