Mula sa pagsusuot ng Chanel earrings sa isang makasaysayang press conference, dumalo na ngayon si Alex Eala sa mismong fashion show ng French luxury brand sa Paris Fashion Week.

Kasama sa mga panauhin ang Filipina tennis ace sa Spring/Summer 2027 show ng Chanel nitong Martes (oras sa Pilipinas), kung saan ipinakita ng artistic director na si Matthieu Blazy ang pinakabagong koleksiyon.

Suot ni Alex ang gray tweed shirt na may gold logo buttons, na ipinares sa relaxed-fit dark pants. Dumalo siya sa show kasama ang kanyang ina, si Rizza Maniego-Eala.

Sa panayam ng Vogue Philippines, sinabi ni Alex: “I’m a Chanel girl through and through.”

Ang pagmamahal ni Alex sa Chanel ay nagsimula pa noong 2022, nang maging unang Filipina na nagwagi sa US Open Juniors singles title. Sa press conference noon, suot niya ang Chanel earrings bilang tanda ng makasaysayang tagumpay.

Ang pagdalo niya sa Chanel show ay bahagi ng patuloy na pag-ukit ni Alex ng pangalan sa fashion world. Noong Setyembre, debut niya sa New York Fashion Week, kung saan dumalo siya sa mga event ng Tory Burch, Michael Kors (nakilala niya roon ang kapwa Filipina na si Kelsey Merritt), at Calvin Klein, na nag-feature pa sa kanya sa Instagram account ng brand.

Sa darating na Disyembre 8, si Alex ay nakatakdang mag-headline sa “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate” sa Philippine Arena, kung saan makakaharap niya sa exhibition match ang kapwa Southeast Asian tennis star na si Janice Tjen ng Indonesia.

Share.