Sugatan ang isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) matapos pagbabarilin sa Barangay Molon, Palimbang, Sultan Kudarat, nitong Sabado, Setyembre 26, 2026.
Batay sa paunang ulat ng Palimbang Municipal Police Station, alas-8:00 ng umaga nang makatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon tungkol sa insidente.
Kinilala ang biktima sa pangalang Yatol Abdul, isang BPAT member, na tinamaan umano ng bala sa binti.
Agad siyang isinugod sa ospital para sa kaukulang lunas.
Ayon sa pulisya, isang indibidwal ang itinuturong suspek sa pamamaril.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Palimbang MPS, kasama ang Palimbang MDRRMO, at nagtungo sa ospital para sa imbestigasyon.
Samantala, isang hiwalay na police team ang ipinadala sa Barangay Molon upang magsagawa ng follow-up investigation at pagtugis sa suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari at motibo sa pamamaril.
Trending
- Heavyweight bout nina Fury at Joshua matutuloy na
- Atasha Muhlach, Jacob Ang iniintrigang break na
- Coco Martin ginawang artista ang businesswoman na si Pinky Tobiano
- Dating Miss Universe Jamaica nagsampa ng kaso sa pagkahulog sa entablado
- Rider utas sa nakasalubong na pickup
- BPAT member sugatan sa pamamaril
- Lalaki nagnakaw ng mga wire ng traffic light
- Pulis natagpuang patay sa gilid ng highway

