Sinaktan ang isang 80-anyos na traffic enforcer ng ‘di umano asawa ng city councilor nang sitahin dahil sa paglabag sa batas-trapiko sa Brgy. San Vicente, Ilagan City, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Bernardino Baldoz, 80-anyos na dating Barangay Chairman na ngayon aktibong traffic enforcer habang ang suspek na si Policarpio Gaoiran na asawa ni City Councilor Perlita Gaoiran ng nasabing lungsod.
Ayon sa report ng mga awtoridad, nagparke umano sa “no parking zone,” ang suspek na sinuway ng biktima na ikinagalit nito.
Imbes na sumunod sa pakiusap ng matandang enforcer, pinagmumura umano ng asawa ng konsehal ang biktima at pinalo pa sa puwitan.
Pagkatapos ng insidente, nakaramdam ng hilo ang enforcer na nagpa-check-up at kumuha ng kaniyang medical clearance.
Posibleng maharap sa direct assault at disobedience to an agent of authority ang asawa ng konsehal. 
====

Share.