Arestado ang apat na mga notoryus na holdaper na bumibiktima sa mga convenience store sa Cavite at mga karatig na probimdsya kabilang ang isang aktibong sundalo ng Philippine Army sa isinagawang police operation ng buong puwersa ng Quezon Provincial Police Office, sa pangunguna ng Mulanay Municipal Police Station, kaninang madaling araw ngayon Huwebes September 24, 2026 sa isang Hotel sa Brgy. 08 ng Catanauan, Quezon.
Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina alyas “Christian”, 47 taon gulang, residente ng San Juan, Batangas, alyas “Michael”, 40 taon gulang,, residente sa Taguig City, alyas “Alberto”, 40 taon gulang residente sa Carmona, Cavite, at si Corporal “Iglufas”, 35 anyos, tubong Lanao Del Norte at aktibong miyembro Philippine Army at naka destino sa 9th ID Pili Camarines Sur.
Ayon sa report ng Catanauan Municipal Police Station, isang tawag ang kanilang natanggap galing sa isang concerned citizen na may mga armadong kalalakihan umano na nagcheck in sa loob ng hotel na ang isa ay may bitbit na mahabang barili.Dahil dito agad na kumilos ang mga awtoridad at pinuntahan ang nasabing hotel at matapos na maberipika ang impormasyon ay agad sinalakay ng mga awtoridad ang loob ng hotel at nasamsam ang isang M-16 riffle, tatlong short fire arms, mga magazines at bala dalawang riffle grenade at dalawang M203 grenade launcher mga plaka ng sasakyan at isang sasakyan na Nissan Terrano na may plakang NJF 7247 na sangkot umano sa panghoholdap nuon gabi ng Miyerkules September 23, 2026 sa DALI Store sa Trece Martires City, Cavite.
Nasa kustodiya na ngayon ng Catanauan Holding and Detention Facility ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukolang kaso sa Provincial Prosecutors Office.
Trending
- Bien Zoleta, emosyunal sa unang panalo sa Asian Games
- Jho Maraguinot babu na sa pro volleyball
- Alden, tablado sa bagong VMX star
- Rochelle, ipinagtanggol ni Aira
- Cherry Pie, nakakain ng spoiled food, naospital
- Ilang estudyante, sumasakay sa airbed upang makatawid sa ilog para makapasok sa paaralan
- Lakam Chiu dinala na sa Quezon City court
- DOJ: Tuloy-kaso sa missing sabungeros kahit ‘di sumipot ilang pamilya

