Nasawi ang dalawang sundalo ng Philippine Army nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo sa Barangay Ladia, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, Miyerkules ng gabi ng Setyembre 23, 2026.
Kinilala ang mga biktima na sina PFC Jobert C. Labuson at PFC Johmark C. Dumaguing, kapwa miyembro ng Bravo Company, 7th Infantry Battalion, 6th Infantry Division.
Sa ulat, sakay ang dalawang sundalo ng isang itim na Kawasaki Bajaj motorcycle nang umano’y sundan at tambangan sila ng mga suspek na nakasakay naman sa puting Yamaha NMAX.
Gamit umano ng mga salarin ang isang short firearm na pinaniniwalaang caliber .45 pistol.
Tatlong fired cartridge cases ang narekober sa lugar.
Isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center ang dalawang sundalo nguni’t kapwa idineklarang dead on arrival (DOA).
Ang battalion command post ng 7th IB, isa sa mga units ng 6th Infantry Division, ay nasa Barangay Pigkalagan sa Sultan Kudarat, hindi kalayuan sa kung saan naganap ang pananambang kina Labuson at Dumaguing.
Pabalik na sa kanilang detachment ang dalawa, mula sa pamimili ng food supplies, ng pagbabarilin ng mga motoristang nakabuntot sa kanilang sinasakyang motorsiklo.
Patuloy ang crime scene processing, intelligence gathering at follow-up investigation ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga suspek.
Hindi pa tukoy ang motibo sa pamamaril.
Kinondena naman ng mga local executives sa Sultan Kudarat ang insidente at nangako sila at ang mga traditional Moro leaders na sakop nil ana tutulong sa pagkilala sa mga pumaslang sa dalawang sundalo upang masampahan ng mga kauukulang mga kaso.
Trending
- Bien Zoleta, emosyunal sa unang panalo sa Asian Games
- Jho Maraguinot babu na sa pro volleyball
- Alden, tablado sa bagong VMX star
- Rochelle, ipinagtanggol ni Aira
- Cherry Pie, nakakain ng spoiled food, naospital
- Ilang estudyante, sumasakay sa airbed upang makatawid sa ilog para makapasok sa paaralan
- Lakam Chiu dinala na sa Quezon City court
- DOJ: Tuloy-kaso sa missing sabungeros kahit ‘di sumipot ilang pamilya

