NAGDESISYUN na ang mayoryang miyembro ng Senate impeachment court na bawasan ang bilang ng boto na kailangan o threshold upang ma-convict si Vice President Sara Duterte kaugnay ng ga reklamong inihain sa kanya sa korte.
Sa botohan, 13 senator-judges ang pumabor sa apela ni Senator-Judge Erwin Tulfo, habang isa lamang ang kumontra.
Nabaligtad ang naunang ruling ni Presiding Officer Francis Escudero noong Hulyo 6 na nagtakda ng 16 na boto na kailangan para sa conviction.
Hindi nakilahok sa botohan ang anim na senator-judges na sina Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Bong Go, Imee Marcos, Robin Padilla at Camille Villar.
Si Escudero ang nag-iisang bumoto laban sa apela dahil siya mismo ang naglabas ng naunang ruling na kinuwestiyon ni Tulfo.(Nino Aclan)
Trending
- Golden State, opisyal nang ipinakilala si Frank Vogel bilang Associate Head Coach
- Saddiq Bey, pumirma na ng contract extension sa Pelicans
- Wala raw kasalang magaganap sa KimPau
- Sarah at Matteo, spotted, namili ng baby stuff!
- Pix ng kasal ng ex-hubby ni Ai Ai, viral
- 73 police motorcycles dagdag puwersa sa unified 911 emergency response
- Cayetano kinuwestiyon ang hurisdiksyon, ‘timing’ ng Impeachment Court
- PEKENG LPG TANKS NASAMSAM

