Nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) nina Ms. Diane C. Romero, Executive Director ng JAAF at Prof. Abdulmari Ymao, Jr., Dean ng University of the Philippines College of Fine Arts (UP-CFA), saksi sina Gari Apolonio ng Gateway Gallery at Mr. Rowell Recinto, Presidente ng JAAF para sa Gateway Art Fair 2026.
Tampok din ang turnover ng Art in the City art kits para sa mga batang may special needs at mga estudyanteng may kapansanan mula sa Pateros, Pasig, Basilan at Sulu.–Rey Nillama)

QUEZON CITY — Mas lalong bubuksan ang oportunidad para sa mga artistang Pinoy sa pagdaraos ng 5th Gateway Art Fair, na magsisilbing malaking entablado para sa lokal na sining at malikhaing talento.

Isinagawa ng J. Amado Araneta Foundation (JAAF) katuwang ang Gateway Gallery at Araneta City, at co-presented ng Metrobank, ang apat na araw na art fair na gaganapin mula Oktubre 1 hanggang 4, 2026 sa Gateway Mall 2.

Mula nang ilunsad noong 2022, patuloy na isinusulong ng Gateway Art Fair ang pagpapalawak ng oportunidad sa pamamagitan ng sining, kultura at community development. Sa ikalimang edisyon, mahigit 200 Filipino artists mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang tampok sa programa.

Bukod sa mga likhang-sining sa loob ng Gateway Mall 2, tampok din ang iba’t ibang art installations ng mga lokal na alagad ng sining sa Araneta City.

Ayon kay JAAF Executive Director Diane Romero, hindi lamang simpleng eksibisyon ang layunin ng fair ngayong taon.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI) NCR, magkakaroon ng mga workshop na nakatuon sa capacity-building upang maturuan ang mga artist ng mahahalagang kaalaman sa marketing at negosyo.

Layunin nitong matulungan ang mga artist na maging creative entrepreneurs at mas maging handa sa modernong merkado.

Kasabay nito ang unang Gateway Art Fair Awards, na kikilala sa mga natatanging likhang-sining at artistikong kahusayan. Kabilang sa mga katuwang ng programa ang Boysen Paint Philippines at Art Bar, na magbibigay rin ng espesyal na tropeo sa mga nagwagi.

Samantala, bukas sa publiko ang serye ng libreng art talks at workshops mula Oktubre 2 hanggang 4 sa Gateway Mall 1.

Pangungunahan ito ng mga batikang exhibitors at eksperto mula sa University of the Philippines College of Fine Arts, para sa mga art enthusiast at aspiring artists.

Ayon kay Romero, mahalaga ang sama-samang pagkilos upang higit na mapalakas ang lokal na industriya ng sining.

“Kapag sama-sama nating binubuksan ang mga pinto, hindi lang natin ipinapakita ang sining—binibigyan din natin ng kapangyarihan ang buhay ng mga tao,” ani Romero.(Rey Nillama)

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

Share.