Dahil sa kasikatan ni Pinay tennis star Alex Eala, magtatayo na umano ang Philippine Sports Commission (PSC) ng mga regional tennis training center upang maturuan ang mga kabataan sa naturang sports.
Ito ang kinumpirma ni Biliran Rep. Gerardo Espina Jr., na nagdepensa sa budget ng PSC sa plenaryo ng Kamara, matapos usisian ni Philrea party-list Rep. Presley de Jesus kung anong aksyon ang gagawin ng komisyon para maenganyo ang mga kabataang Pinoy na sundan ang yapak ni Eala.
“Recently as you know, Alex Eala became famous, never in the history of the Philippines that we have a tennis player, first time po ano, at sa kanyang mga interview mukhang mahihirapan talaga ang ating mga athletes sa ating bansa because tennis in new to us,” ani De Jesus.
“Because as you know, tayo masyado tayong dedicated sa basketball. So with the new kind of athlete no, in the presence of Alex Eala, ano ho ba ang puwede nating ituloy lalo na ngayon para sa atin ang tennis sport ay hindi naman ganung kagrabe, sabi nga nila ang tennis sa Pilipinas ay pang-mayaman, unlike basketball, yung volleyball,” dagdag pa ni De Jesus.
Dahil dito, tinanong ni De Jesus kung anong tulong ang maibigay sa mga tennis players para sa kanilang pagsasanay lalo na’t mahal aniya ang gamit sa sports na ito at walang maayos na pasilidad kaya nag-aral pa sa RAFA academy si Eala.
“Sang-ayon ako sa inyong pahayag Mr. chairman. Sa katunayan PSC chairman said that we will continue to build regional training center, focusing in tennis and some facilities to help athletes. We will build more training centers” ani Espina.
Iginiit ng mambabatas na imbes na nakatutok tayo sa basketball ay dapat ituon ang pansin sa ibang sports tulad ng boxing at tennis kung saan may pag-asa ang Pilipinas na umangat at magchampion.
“Masakit man tanggapin no, tayo masyadong hook-up tayo sa basketball, Hundred years I don’t think magcha-champion po tayo kasi we’re not built athletically, wala tayong height unlike yung mga foreign na talaga, so ako siguro mr. chair, we concentrate boxing, tennis, golf,” ani De Jesus.
Dahil dito, iminungkahi nito na magtayo ng academy sa mga sports na ito na ito tulad ng ginagawa ngayons sa Thailand na sinagot ni Espina na nakatuon aniya ngayon ang PSC sa medal rich Olympic sport.
======
Trending
- Angelica at Mark Andrew Yulo, may AI video sa simbahan; ‘pang-asar’ kina Carlos at Chloe?
- Dahil kay Alex Eala: PSC magtatayo ng mga tennis training center
- Beauty, nagpaka-hot sa amasona peg
- Bela, na-hold sa airport
- Albie imbiyerna kay Romualdez!
- 87% Pinoy kumpiyansang makaiwas sa scam, pero 76% takot pa rin
- PhilHealth saklaw ang hospital stay na walang 24 oras
- Kahit anong government ID sa payout ng pension

