Mistulang nadiin nang todo si former President Rodrigo Dutere sa Trial Chamber III ng International Criminal Court (ICC).
Nagpasya kasi ang husgado na panatilihin sa detensyon si Duterte dahil umano sa mas mataas na panganib ng pagtakas kaugnay ng mga bagong pangyayari sa kanyang kaso.
Sa isang limang‑pahinang desisyon na inilabas matapos ang ikatlong status conference ng tribunal, tinukoy ng chamber ang ilang bagong pangyayari bilang batayan ng pasya: ang nakatakdang pagsisimula ng paglilitis sa Nobyembre Trenta Dosmil BeinteSais; mga ulat ng mga court‑appointed medical experts hinggil sa kakayahan ni Duterte na humarap sa paglilitis; at ang pagsisiwalat ng ebidensiya at pagsusumite ng trial brief ng prosekusyon.
Ayon sa chamber, ang mga pangyayaring ito ang nagpalaki sa posibilidad na si Duterte ay haharap sa paglilitis at, kung mapatunayang nagkasala, tatanggap ng mahabang sentensiya — na lalo pang nagpapataas ng posibilidad na ang dating pangulo ay “tatakas o hahadlang o maglalagay sa panganib sa imbestigasyon o sa proseso ng hukuman.”
Binigyang‑diin pa ng Chamber na ang mga obserbasyon ng depensa tungkol kay Duterte ay “hindi naglalaman ng anumang impormasyong bumubuo ng bagong katotohanan o pagbabago sa kalagayan.”
Dumalo siya sa harap ng Trial Chamber III sa ikatlong status conference ng kanyang kaso,
nakasuot ng maitim na amerikana at puting polo na walang kurbata.
Nakaupo si Duterte sa tabi ng kanyang depensa habang tinalakay ng mga hukom at prosekusyon ang mga usapin hinggil sa presentasyon ng kaso.
Si Presiding Judge Joanna Korner ang nagbigay ng mungkahi sa ikatlong status conference matapos hilingin ng prosekusyon ang Isandaan at siyamput tatlo oras para iharap ang kaso.
“Maaaring nais ninyong pag‑isipan kung posible na bawasan ang bilang ng mga saksi,” ani Korner, na binanggit na mayroon ding apat na eksperto ang prosekusyon sa parehong paksa.
Ayon naman kay Prosecution trial lawyer Edward Jeremy, ang mungkahing oras ay “nabawasang bersyon” na ng orihinal na target na oras para sa presentasyon ng kaso.
Sumang‑ayon siya sa “warning shot” ni Korner, at sinabing hahanapin nila ang lahat ng pagkakataon upang gawing mas simple ang kaso.
Habang nasa paglilitis noong Setyembre DisiSais, nag‑post si Duterte ng maikling mensahe sa kanyang opisyal na Facebook page:
“Lahat ng aking ginawa, ginawa ko para sa aking bayan,” ani Duterte sa post na inilabas kasabay ng mga pagdinig sa The Hague.
——$$$–
Sa kauna-unahang pagkakataon na personal na humarap sa International Criminal Court o ICC sa The Hague, Netherlands si Dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kasong crimes against humanity, sinimulan nang talakayin ang pagpresenta ng prosekusyon sa listahan ng mga witness o testigo.

