TINIYAK ni Senador Robin “Robinhood” Padilla na kanyang personal na haharapin ang reklamo isinampa sa kanya ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) kaugnay pa din ng pagsakay sa kanyang sasakyan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ng lumabas ito ng gusali ng senado noong Mayo 14, 2026 ng madaling araw.
Aminado naman si Padilla na lubha masama ag kanyang loob at nalulungkot siya dahil kapwa niya Filipino ang kanyang kalaban.
Nanindigan naman si Padilla kung ang dayuhan sana ang kalaban ay mas maganda ay mas tataas pa ang kanyang dignidad.
Sinabi naman ni Atty. Henry Balteza abugado ni Padilla na pag-aaralan at babasahin muna nila ng husto ang reklamo dahil sa katatanggap lamang nila ito.
Tiniyak din ni Balteza na sasagot sila sa reklamo sa sandaling mabasa na nila ang kabuuan nilalaman nito.
Nanindigan din si Padilla na walang masama sa pagsasakay niya kay dela Rosa sa kanyang sasakyan ng araw na iyon lalo na’t wala namang warrant of arrest na galing sa anumang hukom sa ating bansa.
Tinukoy pa ni Padilla na kitang-kita naman sa video na walang naganap na pagtakbo at pagpigil sa kanila kahit marami ang pulis sa loob at labas ng gusali ng senado kaya’t hindi maaring sabihin tinulungan niyang tumakas si dela Rosa. (Nino Aclan)

Share.