INILUNSAD ang pagbabalik ng iconic “Love Bus” nitong Miyerkules, Setyembre 8, na pinangunahan nina First Lady Liza Marcos at Metropolitan Manila Development Authorty (MMDA) Chairman Romando Artes.
Muling mararanasan ng mga commuter ang iconic “Love Bus” na dating may operasyon noong 1976 na tumagal hanggang 1983.
Libreng magsasakay ng mga pasahero simula ngayong Huwebes, Setyembre 10, ang electric buses na Love Bus at available naman ang libreng sakay sa mga oras na alas 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi sa rutang magmumula sa Robinsons Galleria patungo sa MMDA office, Arcovia City, C5-Bridgetown, at Eastwood, Quezon City, bago muling umikot.
Aniya,ang lugar ng ruta ay walang pampublikong transportasyon kaya naghihintay pa ng mga UV express na galing Rizal, Antipolo, QC , na may tsansa lamang makasakay kung may bababa na pasahero.
May itinalagang bus stops sa ruta, at may kapasidad na 36 pasahero ang Love Bus.
Siniguro ni MMDA Chairman Artes, na marami pang ruta ang bubuksan para mas mapalawak pa ang serbisyo ng libreng sakay sa e-bus.
Ang administrasyon dating Ferdinand Marcos Sr., ang unang naglunsad ng pinakaunang airconditioned bus noon o ang Philippine Love Bus.
Kasabay nito, inilunsad din ng MMDA ang Interactive Gallery, na naka-showcase ang kasaysayan ng ahensya, mandato at mga pangunahing programa at ang bagong annex building, para sa karagdagang function hall, mess hall , multi-pupose court at Traffic and Transport Management Department (TTMD) offices. (Gina Garcia)
Trending
- Eala may exhibition match vs Tjen
- P4.9M multa ‘di pa nababayaran ni Tab Baldwin, Ateneo
- Sarah, hinuhulaang boy ang first baby
- Elijah, may paliwanag sa splitup nila ni Miles, dinenay si Thea
- Vice, kinabahan sa titig ni Bossing
- PESO DUMAUSDOS SA BAGONG RECORD LOW
- Romualdez inilipat na sa UP-PGH hospital
- Singil sa konsumo sa tubig lolobo

