Mukhang napuno na ang veteran sports journalist na si Apple David sa mga basher na below-the-belt na kung magkomento sa relasyon nila ng 18-anyos na basketball player na si Chad Gammad.

Sa kanyang Facebook post nitong August 10, nagbabala si David ng posibleng legal na aksiyon laban sa mga basher.

“Papunta na tayo sa exciting part,” saad niya.

“I already said it before that everyone on social media, personal or dump account are covered by the law and can be traced. Too late to delete comments now. i’ll see some of you guys soon. Keep safe everyone!” dagdag pa niya.

Kamakailan lang nang ibida ni David sa TikTok ang mga date nila ng NCAA player. Mula sa pagkain sa labas hanggang sa kanilang paggi-gym.

Tuluyan na ngang inilantad ng 33-anyos PBA courtside reporter ang kanyang relasyon sa basketbolista at wala nang pakialam sa mga nanghuhusga.

Walang isinulat na caption si David sa kanyang post ngunit naka-tag ito sa profile ni Chad at nilagyan niya ng background song na “Those Eyes” ng New West.

Una nang inamin ni David na alam niyang “very risky” ang pinasok niyang relasyon ngunit may pakiusap siya sa mga nanghuhusga sa kanila.

Sey niya, “I know it’s a very risky relationship because of the age gap, but it’s a risk we are both taking and I hop

Share.