Hindi umano tinanggap ni Senador Robin Padilla ang pagbibitiw ng kanyang Chief of Staff (COS) na si Atty. Philip Jurado.
Ito ang pangalawang beses na naghain ng resignation si Jurado bilang COS. Pero katulad noong una, hindi rin ito tinanggap ni Padilla.
Nauna nang isiniwalat ni political commentator Jesus Falcis ang nakarating sa kanyang impormasyon na diumano’y nag-resign na si Jurado bilang COS ni Padilla. Epektibo umano sa Hulyo 31 ang pagbibitiw ni Jurado.
Pero nitong Lunes, hindi kinumpirma o itinanggi ni Padilla ang ulat na nasabing resignation ni Jurado. Sabi ng senador, matagal nang maysakit si Jurado.
“Matagal nang may sakit ‘yon. Puwede naman ninyong kunin ang records diyan. Kunin n’yo na lang, huwag n’yo na akong tanungin kasi ‘yan ang magiging issue na hindi maganda. ‘Yan ang magagawang issue, doon na mapupunta at mawawala tayo sa totoong issue, ang impeachment,” sabi ni Padilla.
“Tungkol sa tao, may HR (Human Resource). E di tanungin ninyo sa HR kung ano ang sitwasyon niya. May clinic. E di tanungin ninyo sa clinic kung ano ang nangyayari. Kaibigan ko ‘yon. Ano ba kayo?… ‘yung high blood niya ay hindi na makontrol. Hindi na makontrol ang high blood niya.”
Nabatid na Hunyo 22, 2026 isinumite ni Jurado ang kanyang resignation letter at naging epektibo ito matapos ang ang isang buwan.
Napag-alam na unang nagbitiw si Jurado noong 2023 subali’t hindi tinanggap ni Padilla.
====
Trending
- Fajardo pinawi ang pangamba sa pagkatalo ng Beermen
- NLEX, nanatiling walang talo sa PBA Governor’s Cup
- Bea Alonzo naglilipat na sa bagong tahanan
- Winwyn Marquez may hanash vs AI project
- Sarah Geronimo nakipagduweto sa ama
- Nuclear energy pag-aaralan ng gobyerno
- Unang Ginang napaluha sa talumpati ni PBBM
- Marcos: Pilipinas ‘di pasisiil sa manlulupig

