Upang malaman kung seryoso o hindi si Vice President Sara Duterte sa kanyang mga banta, nagpasya ang prosecution team na magpatawag ng isang psychiatrist bilang kanilang witness sa Article 4 o grave threat at sedition case.
Ito ang paliwanag nina Atty. Benjamin Tolosa Jr., legal spokesman ng prosecution team, at panel spokesman at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kung bakit kabilang ang ‘psychiatrist’ sa kanilang witness sa nasabing article.
“So it could establish a lot of things, among other things would be the seriousness of the threats, the fact that when it was made, it was not made in jest,” paliwanag ni Tolosa.
Magugunita na noong December 2024 ay nagpatawag ng online conference si Duterte habang nasa loob ito ng Batasan Pambansa kung saan nakakulong ang kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez matapos icontempt ng House committee on good government and public accountability na nag-iimbestiga sa confidential funds ng pangalawang pangulo.
Bukod sa pinagmumura nito sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez, ay inamin din niyang may nakausap na siyang tao na papatay sa mga ito kapag may nangyaring masama sa kanya.
“The fact that the threat was seriously made and there was very intention to produce that intended effect which is to threaten the recipients of these statements,” ani Tolosa kaya inerekomenda ng mga ito na magkaroon ng witness na psychiatrist.
Ganito din ang paliwanag ni Adiong bukod sa nais ng mga ito matulungan aniya ang Impeachment Court na madetermina kung nagbibiro lang ang pangulo o talagang seryoso ito sa kanyang banta.
“The psychiatrist would be objective in trying to respond to the question of either the defence and the prosecution,” subalit hindi nagrekomenda ang mga ito ng pangalan ng psychiatrist bagkus ay ipapaubaya umano ng mga ito sa Korte ng pagkuha.
“Someone who is objective and non-partisan is the right witness to establish to the court that yes indeed, these allegations and these threats are made with seriousness,” ayon pa kay Adiong.
Kasamas sa witness ng prosecution team sa nasabing article si Sherrif Abe Andres na ayon kay Tolosa ay “to prove that respondent has the tendency to inflict violence”
Si Andres ay pinagsasapak ni Duterte habang ipinapatupad nito ang isang demolition order sa Davao City noong July 1, 2011.
=====
Trending
- Choco Mucho nilayasan ni Fil-Am playmaker Tia Andaya
- Reaves, mananatili sa Lakers
- Pagiging tatay ni Enrique, malapit nang i-announce?
- Lea, may ‘hangover’ pa sa BTS concert
- Jed, tumalak, na-bad trip sa gobyerno
- Firearms Law, pinaaamyendahan
- Cebu Archbishop Uy tatanggap ng pallium mula Kay Pope Leo
- Pagkabansot sa mga bata, patuloy na tinutugunan ng pamahalaan

