Inaasahang tatagal pa ng 43.86 araw ang kabuuang suplay ng langis sa bansa batay sa pinakahuling datos ng Department of Energy (DOE) noong Hunyo 19.
Ayon sa ulat ng Oil Industry Management Bureau ng DOE nitong Hunyo 22, sapat pa ang kasalukuyang imbentaryo upang matugunan ang pangangailangan ng bansa sa mga pangunahing produktong petrolyo sa susunod na mga linggo.
Batay sa talaan, ang suplay ng gasolina ay may inaasahang tagal ng 43.75 araw, habang ang diesel, na siyang pangunahing ginagamit sa transportasyon at industriya, ay may natitirang suplay para sa 40.42 araw.
Pinakamatagal naman ang suplay ng kerosene na aabot sa 128.96 araw.
Samantala, ang jet fuel ay may inaasahang suplay na 68.30 araw, fuel oil na 38.21 araw at liquefied petroleum gas o LPG na 42.86 araw.
Ipinakita rin ng ulat na ang average daily demand sa buong bansa ay nasa 78,080.13 liters, kung saan pinakamalaki ang konsumo sa diesel (34,654.20) at gasolina (24,631.55).

Share.