Nangangailangan ang nongovernment group Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng nasa 30,000 volunteers para tumulong sa papalapit na kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Setyembre.
Ayon kay PPCRV regional chairperson Fr. David Procalla, ng Archdiocese of Cotabato, ang mga volunteer ay itatalaga sa iba’t ibang election-related activities, kabilang ang poll watching, voter education, election monitoring, at pagmamando sa voter assistance desks sa rehiyon.
“These initiatives aim to help ensure a peaceful, clean, and credible electoral process in the Bangsamoro region in partnership with the police, military and other major stakeholders,” ani Procalla.
Maaaring makipag-ugnayan ang mga interesadong indibidwal sa kani-kanilang parish priests o PPCRV provincial at municipal coordinators.
Trending
- Banat ng mga kritiko, sinagot ni Knicks star Brunson
- Pag-congratulate ni Bianca kay SP Gatchalian, binarag
- Ogie, atat nang magka-apo kay Leila
- Nadia, HS grad @ 54
- Mga aral mula sa amang si Marcos Sr. inalala ni PBBM
- PPCRV kailangan ng 30K volunteers sa Bangsamoro polls
- Strait of Hormuz sarado ulit – Iran
- Pagbagsak ng presyo ng langis, sa US-Iran Agreement

