Pinatawan ng life sentence ng Pasay City Regional Trial Court, Branch 298, ang isang babae importer of Methylenedioxy methamphetamine (MDMA), or commonly known as ecstasy, matapos na mapatunayan  guilty ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinilala ang akusadong si Charito Casamello, alias Chat/Chari, nang mapatunyan guilty beyond reasonable sa illegal importation ng 1,462.18 grams ng ecstasy, sa paglabag sa Section 4, Article II of Republic Act No. 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,
Bukod sa habambuhay na pagkakabilango ng walang  parole at pinagbabayad rin ito multa ng halagang of P1,000,000.00..
Ayon kay PDEA Dir Gen Undersectary Isagani R. Nerez., nag-ugat ang kaso sa matagumpay na interdiction operation sa Ninoy Aquino International Airport – Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) at the Central Mail Exchange along Domestic Road, Barangay 183, Pasay City noong June 2023.
Inaresto ang suspek ng mga operatiba nang kuhanin  nito ang mga padalang bagahe na naglalaman ng mga iligal na droga o ecstasy.

Share.