Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang grupo ni Senador Alan Peter Cayetano noong Hunyo 16, 2026 upang ipawalang-bisa ang mga naganap sa Senado noong Hunyo 3, kabilang ang pagkakahalal kay Sen. Sherwin “Win” Gatchalian bilang Acting Senate President.
Ang petisyon ay certiorari at prohibition na may kahilingan para sa Status Quo Ante Order (SQAO).
Layunin nitong ibalik sa dating posisyon sina Alan Cayetano bilang Senate President, Loren Legarda bilang Senate President Pro Tempore, at Jose Luis Montales bilang Senate Secretary.
Iginiit ng Cayetano bloc na kulang sa quorum ang Hunyo 3 session dahil 12 lamang ang dumalo, samantalang nangangailangan ng majority ng 24 senators (13 votes) ayon sa Konstitusyon.
Pinapawalang-bisa sa petisyon ang deklarasyon ng quorum, pagbabakante ng lahat ng elective positions, at ang pagkakahalal kina Gatchalian, Zubiri, Bantug, at Corpus sa kani-kanilang bagong posisyon.
Kasama sa mga petitioner sina Cayetano, Legarda, Pia Cayetano, Jinggoy Estrada, Bong Go, Marcoleta, Imee Marcos, Robin Padilla, Camille Villar, at Montales.

