Inanunsyo ng Estados Unidos at Iran na sila ay nagkasundo sa isang memorandum of agreement na tinaguriang “peace deal.”
Ayon kay Pangulong Donald Trump, ito ay magbibigay-daan sa permanenteng pagtigil ng operasyon militar at muling pagbubukas ng Strait of Hormuz nang walang bayad sa toll.
Itinakda ang pirmahan sa Hunyo 19, 2026 sa Geneva, Switzerland, na pinangungunahan ng mga kinatawan ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga tagapamagitan ang Pakistan, Qatar, Saudi Arabia, at Turkey.
Ang nilalaman ng kasunduan ay permanenteng ceasefire sa lahat ng front, kabilang ang Lebanon.
Gayundin din ang pag-alis ng U.S. naval blockade sa loob ng 30 araw at pag-release ng $12 bilyong frozen assets ng Iran bago magsimula ang teknikal na negosasyon.
Sa Nuclear program: ipinangako ng Iran na walang armas nukleyar, ngunit ang detalyadong proseso ng pag-dilute ng uranium ay tatalakayin sa loob ng 60 araw.
Posibleng bumaba ang presyo ng langis dahil sa pagbubukas ng Hormuz.
Lumakas ang piso laban sa dolyar sa Pilipinas dahil sa inaasahang pag-ayos ng tensyon.
Gayunpaman, nagpapatuloy ang bakbakan ng Israel at Hezbollah sa Lebanon, na naglalagay ng panganib sa katatagan ng rehiyon.
Pero, iginiit ng Iran na ang kasunduan ay ginawa “sa ilalim ng kawalan ng tiwala” at susubaybayan ang pagsunod ng U.S.
May posibilidad ng pagtutol mula sa mga hardliner sa loob ng Iran.

