Nanawagan ng hustisya ang ama ng Ateneo de Manila University basketball player na si Divine Adili matapos itong malunod sa isinagawang team building activity sa Aurora kamakailan.
Sa isang Facebook post nitong Biyernes (June 12), inilabas ni Elias Adili ang kanyang matinding kalungkutan sa pagpanaw ng anak at hiniling na mapanagot ang sinumang responsable sa pagkamatay nito.
Ayon kay Elias, malaki ang naging ambag ng kanyang anak sa larangan ng basketball at buong puso nitong ipinaglaban ang bansa at paaralan.
“I want justice for my Son Chukwuemeka Divine Adili who along others stood in for Nigeria in all Nation Tournament in Philippines in 2024,” aniya.
“Nigeria won he was ranked 6th best, he gave his all to ATENEO BLUES 3rd ranked University in Philippines,” dagdag pa niya.
Inihayag din niyang labis na nasasaktan ang pamilya ni Divine sa biglaang pagpanaw ng basketbolista dahil sa kapabayaan.
“You evaporated like a steam out of our sight, Divine we miss you and our tears seems endless,” saad ni Elias.
Si Divine, na papasok pa lamang sa kanyang ikalawang taon bilang miyembro ng Ateneo Blue Eagles, ay nasawi noong Hunyo 8 habang nasa isang team building activity sa bayan ng Dipaculao matapos umanong tangayin ng malakas na alon kasama ang Ateneo rookie na si Rene Clert Baterbonia.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel

