Bukod sa pag-aartista, puntirya ngayon ni expelled Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga ang pagiging gubernador ng Cavite.
“Meow maybe nyahahaha,” ani Barzaga nang tanungin kung may plano itong tumakbo bilang governor ng Cavite na kilalang Remulla country.
Nitong Martes, sinibak bilang miyembro ng Kamara si Barzaga sa botong 265 pabor, 14 kumontra at 8 nag-abstain dahil sa “disruptive at disorderly behavior”, hindi lamang sa social media kundi maging sa loob ng plenaryo ng Kamara.
Tila hindi naman naapektuhan si Barzaga na kilalang “Congmeow” sa desisyon ng mayorya sa Kamara na tanggalin siya bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng lalawigan.
“Ang buhay ay weather weather lang nyahahaha,” reaksyon ni Barzaga sa pagpapatalsik sa kanya bilang congressman.
Pansamantala aniya tutukan nito ang pag-aalaga ng mga pusa at ikinonsidera nito na pasukin ang pag-aartista dahil marami na siyang panahon.
“Actually mas maganda yun kasi mas marami na akong matutulungan ngayon. Since hindi na ako Congressman dahil puro naman ako suspension, I will now be able to work in private sector for business or artista kung sakali,” ayon pa kay Barzaga.
Nang hingan ng paglilinaw ukol sa plano nitong pag-aartista, sinabi ni Barzaga na “well, kung papayagan nila ako, if anyone wants me, I will create a card, kasi dun sa card ko nakalagay congressman pa eh”.
“Hindi naman, just for fun,” ani Barzaga nang tanungin kung matagal na nitong pangarap na mag-artista subalit bago ito ay kailangang aniyang magsanay muna ito sa pag-arte dahil sa ngayon ay medyo nahihiya pa ito kapag nasa harap ng camera.
Samantala, sinabi ni Deputy Speaker Janette Garin na inaasahang magtalaga muna ng caretaker sa distrito ni Barzaga dahil pinag-aaralan pa kung magkakaroon ng special election o hindi na.
Nabatid na P200 million ang kailangang para sa special election sa ikaapat na distrito ng Cavite na nabakante dahil sa pagsibak ng Kamara kay Barzaga.
Trending
- Namataan si Dela Rosa sa isang yate
- 200 maniningil sa online lending, arestado
- Hirit ni ex-DPWH Sec.Bonoan na hospital-arrest, aprub!
- China: ‘mass crackdown’ vs illegal Pinoy workers
- Gilas Women nalasap ang back-to-back na pagkatalo sa FIBA 3×3 World Cup
- Alex Eala bumawi sa singles matapos maagang pagkalaglag sa Birmingham Open doubles
- Carla, aminadong walang silbi sa kusina
- Gary V, may dasal sa Senado

