Kulang ang 12 boto para magpalit o maghalal ng Senate President, giit ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP).
Ayon kay PDP Deputy Spokesperson Atty. Ferdinand Topacio, dadalhin nila sa Korte Suprema ang ginawang “palit-liderato” ng ilang senador gamit lang ang boto ng 12.
Giit pa ng PDP, hindi ito ligal dahil malinaw sa 1987 Constitution na kailangan ng mayorya ng buong Senado. Ibig sabihin ay hindi bababa sa 13 boto.
Hindi rin umano pwedeng i-base sa Avelino vs Cuenco 1949 decision ang ginawa ng 12 senador.
Ayon kay Topacio, lumang 1935 Constitution pa ang gamit noon.
Binago na umano ng mga gumawa ng 1987 Constitution ang probisyon para matiyak na buong kapulungan, hindi lang kalahati, ang magpapasya kung sino ang Senate President.
Para sa PDP, kahit absent, nakakulong, may sakit, nasa abroad, o pansamantalang hindi nakadalo ang ibang senador, kailangan pa rin ng 13 boto para maging balido ang paghalal o pagpalit ng liderato ng Senado.
Trending
- Namataan si Dela Rosa sa isang yate
- 200 maniningil sa online lending, arestado
- Hirit ni ex-DPWH Sec.Bonoan na hospital-arrest, aprub!
- China: ‘mass crackdown’ vs illegal Pinoy workers
- Gilas Women nalasap ang back-to-back na pagkatalo sa FIBA 3×3 World Cup
- Alex Eala bumawi sa singles matapos maagang pagkalaglag sa Birmingham Open doubles
- Carla, aminadong walang silbi sa kusina
- Gary V, may dasal sa Senado

