Ngayong graduation season, muling binuhay ni Senador Erwin Tulfo ang panukalang gawing libre ang professional examinations fees sa kwalipikadong indigents, bilang tulong sa pagkamit nila ng lisensya sa propesyong tinahak.
Sa kanyang Senate Bill No. 2035 o “Free Professional Examinations Act,” gagawing exempted ang mga kwalipikadong indigents mula sa pagbabayad ng exam fees.
“Naging normal na para sa mga Pilipino na nakakapagtapos nga sa pag-aaral pero nauudlot na maging lisensyado kasi kulang sa pera. Kaysa magbayad ng licensure exam fees, magtatrabaho na lang, minsan underemployed pa para kumita na agad,” ani Tulfo.
Dagdag pa ng Senador, napipigilan ng mga sandamakmak na professional exam fees di lang ang pag-unlad ng mga Pilipino, kundi ang pag-usbong ng bagong henerasyon ng mga propesyunal sa bansa.
Kasali sa “Free Professional Exams Act” ni Tulfo ang Professional Regulations Commission (PRC) Board Exams, Civil Service Eligibility Exams, at Bar Exams.
Sa nasabing panukala, tutukyin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kuwalipikadong indigent na magbibigay naman ng sertipikasyon upang maipakita sa Professional Regulations Commission, Civil Service Commission, o Supreme Court hinggil sa libreng permiso.
At para masigurong makakamit ang layunin, limitado lamang sa isang beses sa isang taon ang pagkuha ng benepisyong ito.
“Maraming sa mga kabataang estudyante ang sumasideline pa maitawid lang pag-graduate, tulungan naman natin sila na makumpleto yung pangarap nilang maging lisensyado,” pagtatapos ng mambabatas.
Trending
- Ginebra isang panalo na lamang para makapasok sa finals
- Eala may wild card sa Homburg Open
- Richard Gutierrez, Gerald Anderson tumitindi ang hidwaan
- Vice Ganda namigay ng kare-kare sa mga street sweeper
- John Lloyd Cruz ipinaranas sa anak na si Elias ang simpleng pamumuhay
- Libreng board, bar exam sa qualified indigents, inihain
- MRT-7, ‘di mababawasan ng estasyon
- Pinakamahabang araw mararanasan sa Hunyo 21 – PAGASA

