Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala siyang pagsisisi sa pakikipagtambal kay Vice President Sara Duterte noong halalan ng 2022, ngunit inamin niyang nababahala siya na maaaring hindi maipagpatuloy ang mga repormang sinimulan ng kanyang administrasyon kung sakaling maupo ito sa kapangyarihan sa hinaharap.
Sinabi ni Marcos na sa panahong iyon ay pareho sila ni Duterte ng pananaw kung ano ang kailangang gawin sa gobyerno.
“No, I don’t think so.” sagot niya nang tanungin kung pagkakamali ba ang kanilang tambalan.
“I think it was for the time that was the best thing that we could do.”
“We had the same idea of what needed to be done in government. Maybe that’s changed,” dagdag niya.
Gayunman, inamin ng Pangulo na malaking alalahanin para sa kanya ang posibilidad na mabaligtad ang mga programa at reporma ng kanyang administrasyon.
“Yes. Very much.” sagot niya nang tanungin kung natatakot siyang mabawi ang kanyang mga polisiya.
“That is a great worry for me because we have just started, and these are big things that we are trying to do.”
Ayon kay Marcos, kasalukuyang binabago ng kanyang administrasyon ang paraan ng pamamahala at nire-reporma ang burukrasya, mga hakbang na nangangailangan ng pagpapatuloy upang magtagumpay.
“It is continuity that we aspire for, that we dream of, that we work for, and that continuity has to go on. Otherwise, we will go back to doing business the old way.”
Samantala, itinanggi rin ng Pangulo na may umiiral na “gera” sa pagitan ng mga pamilyang Marcos at Duterte.
“Well, I don’t see it as a war. I’m not conducting any war or political war against anyone. I’m just trying to do my job.”
Binigyang-diin niya na mas mahalaga ang pambansang kaunlaran kaysa sa alitang pampulitika at nananatili siyang nakatuon sa trabaho, ekonomiya, at kapakanan ng mamamayan.
Ang panayam ay inilabas habang nagpapatuloy ang impeachment proceedings laban kay Duterte at ang kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court kaugnay ng kanyang war on drugs.

Share.