Kailangan ng taongbayan ang isang lider ng Senado na hindi magulo at hindi naghahasik ng kaguluhan.
Ito ang tila may pitik na pahayag ng Malacañang kasunod ng ugong-ugong na magkakaroon na naman umano ng palitan sa liderato ng Senado.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi nakikialam ang Malacañang kung sino ang pipiliing Senate President, at ang dapat na isaalang-alang ay ang kapakanan ng taongbayan at hindi para sa iilang tao lamang.
“Sila ay dapat na nagtatrabaho sa taongbayan hindi para sa iilang tao lamang,” ani Castro.
Maski aniya ang taongbayan ay gusto ang matinong liderato at walang dapat na kakampihan, walang patatakasing pugante, at walang iaangat kahit na fake news.
Sinabi ni Castro na dapat hindi paiikutin ang batas para lamang masunod ang gustong mangyari pabor sa iilan.
Sinabi pa ni Castro na alam naman ng mga senador ang mandato nila kaya dapat maging tapat, may integridad, walang kinakampihan at walang kulay.
Trending
- Ginebra isang panalo na lamang para makapasok sa finals
- Eala may wild card sa Homburg Open
- Richard Gutierrez, Gerald Anderson tumitindi ang hidwaan
- Vice Ganda namigay ng kare-kare sa mga street sweeper
- John Lloyd Cruz ipinaranas sa anak na si Elias ang simpleng pamumuhay
- Libreng board, bar exam sa qualified indigents, inihain
- MRT-7, ‘di mababawasan ng estasyon
- Pinakamahabang araw mararanasan sa Hunyo 21 – PAGASA

