Nakaligtas sa pagguho ng ginagawang gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga ang isang construction worker dahil sa kanyang pagbili ng alak.
Nakilala ang isa sa mga nakaligtas na si Rexcy Flores.
Kuwento niya, “[Bumili ako ng] Red Horse, alak po. ‘Yung tatlo kong kasama, naiwan sa barracks. Nag-iinuman kami.”
“Sabi nila, bibili pa daw ako. Edi bumili ako no’n. Nu’ng paglabas ko, kay-okay pa naman ‘yung building. Wala pa mang nangyayari,” dagdag pa niya.
Inakala niya pa umanong lumindol nang makita niyang bumagsak ang gusali habang nasa tindahan pa rin siya.
“’Yung pagbalik ko sana, du’n na, bumagsak na. Akala ko lindol… Nando’n ako sa tindahan no’n, biglang bumagsak,” ayon pa kay Flores.
Matatandaang nangyari ang pagguho ng siyam na palapag na gusali noong Mayo 24 at patuloy ang retrieval operation ng mga awtoridad.
Trending
- NCR, lumaki pa ang lamang sa mga katunggali sa Palarong Pambansa; 20 golds na ang bitbit
- 15-anyos na Pinoy nambasag ng world record sa speedcubing
- Matteo, bumisita sa Pag-asa Island, nakipag-boodle sa mga sundalo!
- Anak ni Dennis, naaksidente
- PBBM, tutol sa online voting ng mga senador
- Villafuerte brothers umapela sa Senado na ipasa bagong building code
- Pagkalat ng Ebola sa DR Congo maaaring mapigilan – WHO
- PCG planong bumili ng 56 dagdag na barko

