Nanguna ang University of the Philippines sa huling Chemical Engineers computer-based licensure exam matapos makapasok ang pitong UP graduates sa Top 10 passers.
Ito ang inihayag ng Professional Regulation Commission matapos ilabas ang resulta ng Mayo 2026 exams na ginanap sa 13 testing centers sa buong bansa.
Sa 728 na kumuha ng exam, 565 ang pumasa o katumbas ng 77.6% passing rate.
Ilan sa mga nasa Top 10 ay sina Bren Daniel Josue Ebriega ng UP Diliman; John Norbert Gervacio Capacio ng UP Los Baños; Carlo Angelo Jonathan Hingpit Templa ng Mapua Malayan Colleges Mindanao; Joaquin Lorenzo De Leo Gray ng UP Diliman; at Nathaniel Darvin Ferrer ng Mapua Malayan Colleges Mindanao.
Maaaring tingnan ang buong listahan ng passers sa website ng PRC. Samantala, iaanunsyo pa ang petsa at lugar ng oathtaking para sa mga bagong chemical engineers.

Share.