Nasa 31,782 corn farmers sa probinsya ng Cagayan na lubhang naperwisyo ng matinding init ang nabigyan na ng P321.8 milyong halaga ng tulong o tig-P10,125, nitong Biyernes, Mayo 22.
Ang mga magsasaka ay galing sa 22 bayan at capital city, na inorganisa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng limang cluster para sa payout.
Personal na binisita ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng tulong na inatasan umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pabilisin ang pamamahagi ng pinansyal na ayuda sa mga magsasaka.
“We have wanted these farmers to rise from their losses. Coordinate with your local government units to have helping hands,” sinabi ni Gatchalian.
Nitong Biyernes, naipamahagi ng social welfare department ang emergency cash transfers sa clustered payouts sa Baggao (1,049 beneficiaries), Abulug (1,054 recipients), at Aparri (989 recipients) bukod pa sa dalawang site sa Tuguegarao City.
Ang payout ay kasunod ng pagdedeklara ng Cagayan provincial government ng state of calamity sa mahigit P2 bilyong halaga ng pinsala sa mga taniman ng mais dahil sa matinding tag-init.
“This is the government response due to the severe effects of drought on the agriculture sector, particularly on corn production,” ayon kay Gatchalian.
Trending
- Knicks tinalo ang Cavaliers, pasok sa NBA Finals
- North Korea nagkampeon sa Asian Women’s Champions League
- Pokwang, bet statement shirt ni DJ Chacha: ‘Nasaan na si Zaldy n’yo?
- SexBomb Girls pasok sa Hollywood Walk of Fame?
- Bela Padilla, tinawag na retarded si Baron Geisler?
- ‘National Autism Program Act’ inihain ni Rep. Benitez
- Higit 50K lumang bigas, ipasusubasta ng NFA sa Hunyo
- Recto itinangging may pananagutang kriminal sa PhilHealth funds transfer

